Thursday, July 26, 2007

usap telepono

ikwento ko lng ang isang phone call ko nung isang araw habang nka-break ako sa work ko sa isang fastfood chain na hindi ko na sasabihin ang pangalan...
kaya ko ipapaalam sa inyu ang phone call n ito...
kc hindi ako nkakain at nkapagpahinga nung break ko...
at paa na rin matulungan ko siya sa problema niya...
eto na ang pinakahihintay nyo...

nsa crew room ako ng nag-ring ang celfone ko...
nkita ko sa phone # sa manila ang tumatawag...
sinagot ko...

js0n:hello? sino toh?
mitch:hoy gago si mitch toh! kamusta?
js0n:aus lng..kaw? bkit k napatawag?
mitch:wla lng. gs2 ko lng eh.
js0n:so ano na lagay jan? ano na nangyayare jan?
micth:wla. ganun p rin.
js0n:hulaan ko may gusto ka sabihin noh?
mitch:gago! wla.
js0n:meron.hehehe
mitch:si mig eh.
js0n:ano d m p rin ba nasabi? wla nman mwawala sau pag sinabi mo eh.
mitch:eh kc nman eh
js0n:gusto mo ako magsabi?
mitch:papatayin kita!
js0n:oh ano pala.
mitch:ntatakot ako eh. bka kc matulad ako sa inyo nung ex mo.
js0n:ah yun ba? kung sabagay may point ka.
mitch:ska baka mangyare ulet ung nangyare skin nun. lam m un dba??
js0n:may point ka ulet. pero hayaan mo lng b na masayang yan?
mitch:cguro
js0n:eh sira ka pala eh.
mitch:ang hirap kaya! bkit ikaw!
js0n:anung ako?!
mitch:wala. tanong ko bkit mahal mo p rin siya?
js0n:wag mo na itanong? lam mo nman dba?
mitch:ui nbsa mo ba ung nsa Cbox mo. sbi niya wag m daw pagckckan sarili mo sa taong ayaw na sau? sumthin like dat. ntawa nlng ako. eh d k nman nmin pinagsisiksikan sa kanya. wla kami paki dun kung ayaw na niya sau.
js0n:hayaan mo na? (Hoy js0n hindi ka pa ba kukuha ng meal mo! - kawork ko)
mitch:kaya nga hinayaan ko nalang. hirap kausap nun. hindi pala kami naintindihan. ang punto lng nman nmin. ay ayusin niya. sinira na nga niya relasyon nyung dalawa nun dagdag mo pa na sinira niya rin pagkakaibigan niyo.
js0n:wla nkong mgagawa dun.
mitch:tama ka. hindi ka nagkulang. hindi lang siya nakuntento.
js0n:tama na. anu sasabihin mo b kay mig? or ako magsasabi.
mitch:wag yaan mo ako magsabi. bwelo lng ako.
js0n:bilisan mo. tangina nagugutom nko. hanggang 1am pko d2 sa work ko. tpos pasok pko ulet ng umaga d2.
mitch:cge na nga. tawagan nlng kita ulet next time. magreply k nman kc!
js0n:nagloloko p ung phone ko na globe eh. sbihin m n rin pla kay nico. bumili na siya ng phone niya. kukunin ko na phone ko sa kanya. pa-swap ko eh
mitch:cge.
js0n:pero mahal mo na ba talaga si mig?
mitch:Oo
js0n:yun nman pla eh. sasabihin mo lng sa kanya. yun lng gagawin mo pra sa sarili mo.
mitch:oo na duwag nko. bwelo lng nga ako. pano cge na. babush nah!
js0n:cge ingat kau jan. dalaw nlng ako minsan jan.


ntapos na ang phone call...
ngaun miggy...
kpag nbsa mo toh...
bwahahaha!!!
pti n rin kaw mitch!!!
bhala n kau...
tinulungan ko na kaung dalawa...
pra kay mitch...
MAHAL KA RIN NI MIGGY...
mga engot!!!
puro kau pkiramdaman!!!

Sunday, July 15, 2007

buhay yan!!!

find a person who wants to kiss your lips everyday...
who lifts you when your jealous...
who patiently keeps silent when your mad...
who fixes your hair just to see your face...
the one who wants to have lunch with you w/ his/her family...
the one who shares his/her drinks with you...
who squeezes your hand together when you squeeze his/her...
the one who'll want to cut 1 day of work just to have a date with you...
find someone who plans and imagines his/her future with you 5 years from now...
and when you find him/her don't let go...




mga tol ewan ko lng kng 22o yan nbasa nyu ah...
skin kc gnyan na ganyan iniwan pko eh...

Monday, July 9, 2007

Madilim

sa olongapo at manila...
kpag gabi at tumingin ka sa langit...
hindi ito madilim...
maliwanag...
kaya ang akala ko...
ganito na talaga ang kulay ng langit sa gabi...
mali pala ako...
kagabi pumunta ako sa isang parte sa zambales dahil sinamahan ko si you-know-who...
gabi n un nung papnta kmi sa sakayan ng bus pabalik ng Olongapo...
napansin ko nung nglalakad kami...
kulay itim p rin pla and langit kapag gabi...
pero pagbalik ng Olongapo...
mas madilim pa sa gabi ang nangyari skin...
may natanggap na balita...
kailangan daw bago siya umabot sa age na 21...
mkaalis n xa ng Pilipinas...
at mag-21 xa in less than a year...
nung sinabi niya sa akin yun...
bumilis takbo ng isip ko...
turning 21 in less than a year-no more time...
hindi pwede madelay pag-alis niya-pero pwede mapaaga
naiyak ako dahil naisip ko...
etong mga huling buwan na andito pa siya bago ang alis niya...
hindi ko na masusulit ang mga natitirang panahon na andito pa siya...
balewala na lang kasi ako sa kanya...
gusto ko sana makasama siya hanggang sa bago siya umalis...
pero parang makasarili naman ako...
at kung may pagbibigyan siya ng huling panahon...
hindi ako yun...
malabo maging ako...
nakayuko na lang ako sa harapan niya pagkatapos niya sabihin yun...
umiiyak...
samantalang sa kanya parang wala lang...
pinagtatawanan pa niya ako habang umiiyak...
NASAMPAL ko siya...
kahit ayaw ko...
para tumigil siya...
pero hindi ko nagawa yun dahil sa ginagawa niya akong katawa-tawa...
nagawa ko yun dahil sa sakit...
dahil sa hirap...
ang gusto sabhin ng sampal na yun...
mahalin mo naman ako ulit pakiusap...
dahil nawala ka na minsan sa akin...
ayaw ko ng malayo ka pa...
pero nagalit siya...
kaya umuwi na ako...
ayaw ko ng makipagtalo...
nung lumabas ako ng compound nila...
lumingon ako...
baka makita ko pa siya...
nasa isip ko...
eto na huli kong paglingon ko sa bahay nila...
ugali ko na kasi ang lumingon kapag may kasama akong naglalakad at naiiwan siya dahil sa bilis ng lakad ko...
lumilingon ako para sabhin sa kasabay ko maglakad ng hinihintay kita...
pero wala rin siguro...
at sa kasamaang palad...
and sama ng kanta sa jeep na sinakyan ko...
all i want is to hold you forever...
biglang tumugtog pagkasakay ko...
napilitan akong bumaba ng jeep sa gitna ng biyahe...
dahil hindi ko mapipigilan na umiyak ulit nun...
at ayaw ko dahil sa harap pa ng maraming tao...
pagkauwi ko...
walang dalawang isip na kinuha ko mga gamit ko na naka-ayos na...
dahil papunta ako ng manila...
nagpaalam ako sa mama ko...
hindi na ako nakatulog kahit sa biyahe papunta dito sa manila...
gustuhin ko man matulog at kumain hindi ko magawa...
kaya ngayon andito ako sa Conference Meeting namin para sa isang Commercial Ad na gagawin namin...
patay ang utak ko...
blangko...
walang kain...
walang tulog...
kasalukuyan na lunch break namin ngayon kaya nagawa ko gumawa ng ganito...
at ngayon naisip-isip ko...
isasarado ko na lahat ng emosyon ko sa lahat ng tao...
hindi na akong makikitang masaya o malungkot...
makikita nila akong nakangiti pero maskara lang yun...
eto na rin siguro ang magiging huling post ko dito...
matatagalan ako bago mag-post ulit...
dahil tulad nga ng sinabi ko hindi niyo na malalaman ang nararamdaman ko...
gagawin ko 'to para maiwasan ko masaktan at masaktan pa lalo...

Saturday, July 7, 2007

holiding on in vain

The continuation of a dream
Certainly it's to make me smile...
Even when people get hurt...
I walk on...
I'm going down a road that I believe in
So on this journey...
I know that An unchanging love Is going to be next to me
On this road that continues on for a long ways I'm going to boldly walk on,
with all my might...
how I wish that if you smile
For everyone throughout the world to be happy I wish...
Say hello to what's waiting
Cross road...
It's tough to look back on it...
bitter...
It's like this world is in monochrome...
but From that time that I started walking It's been changing...
before I know it A picture from the past is once again In my color...
That alone...
I wish, that if you smile For everyone throughout the world to be happy I wish...
Say hello to what's waiting...

ako daw hero nya(nuon)

sus...
npadaan ako sa myspace profile ni you-know-who...
guess wat i saw...
nkita ko ung heroes section nya...
nkita ko kung cnu hero nya...


"ME and MY SELF... of course.... GOD... n JAYSON MANGLICMOT... that was before... jayson... but now??? i dont think so..."

yan ang exact words na naka-post dun...
sakit ah!!!
pero...
ang kapal...
d2 plng...
nkita ko na kng gaano kakapal ang mukha nya...
wasn't she thinking when she posted that???
hindi ba nya alam na kaya ako lumalayo dahil sa kanya...
kung sabagay...
kung ikaw ba naman ang may utak katulad ng sa kanya...
baka ganun din ang gawin mo...
pero nuong may mga problema ka sa pamilya mo...
p*tang ina!!!
kanino mo nilabas mga sama ng loob mo!!!
nung hindi mo na kaya lahat...
kanino ka nagsusumbong!!!
tapos ngayon papnta siya dito sa bahay namin dahil ipapagawa niya ang laptop nila???
hindi ako superhero ngayon para pagbigyan siya...
ibabato ko silang dalawa ng laptop niya palabas ng bahay namin!!!
sobrang kapal na niya talaga...
hindi na daw niya ako hero...
pero ngayon ano???
kelangan niya ang tulong ng tulad ko...
kapag ako talaga nabwisit...
baka gamitin ko ang pagiging shinigami ko sa kanya...
at mapatay ko siya sa pamamagitan ng pagtanggal ko ng kaluluwa niya sa katawan niya ang putulin ang ugnayan nito sa mundo ng tao...
sh*t...
anu ba ang sinabi...
hahaha...
sorry i was just goofing around...
so...
hintayin kung ano ang mangyayare...
padating na siya...

Tuesday, July 3, 2007

bad luck

ang haba ng araw ko...
sa huling 48 hrs. na lumipas sa buhay ko...
parang dalawang taon ang dumman sa akin...
kahapon nag-ayos ng mga papeles ko...
nakuha ko rin naman agad yung mga inaayos ko...
pero sa kamalas-malasang pangyayari...
nawala ang envelope ko na pinag-lalagyan ko ng mga papeles...
kasamang nawala ang
high school diploma(Original)
Certificate of Live Birth(Original din)
SSS E-1 form(Original din)
Police Clearnace(Original din)
pansin ko puro mga Original ang nawala ko...
kanina...
pumunta ulet ako sa kuhaan ng Police Clearance...
sakto!!!
andun ung tropa kong nagtatrabaho dun...
nakalusot agad...
nkuha ko agad Police Clearance ko na bago...
punta naman ako ng SSS...
30 mins lng...
naverify ko agad SSS number ko...
ok na...
pagod at pamasahe lng ang nawawala sa akin...
bumalik ako sa eskwelahan ko nung High School...
iba na pala yung lugar ng Principal's Office at High School Registrar...
yung room ko nung 2nd year...
yun na pala yung Principal's Office...
bwisit kasi yung mga guard...
ayaw akong papasukin nung una...
at ayaw ituro kung san yung Principal's Office na bago...
pero dati nung High School pa lang ako...
takot na takot ako pumasok sa Principal's Office...
dahil isa sa mga dahilan ko ng pagpasok nun sa Office ng Principal eh may atraso ako...
pero kanina...
iba yung naging pagtanggap nila sa akin...
parang natuwa sila na nakita nila ulit ako...
hindi ko nga lang nakita yung adviser ko nung 4th year...
siguro may klase siya...
pero yung masungit namin na registrar nuon...
sir na ang tawag sa akin...
wow!!!
bumaliktad na ata ang mundo...
pero ok na yun...
kaysa naman sinungit-sungitan ako nun...
ganun pala yun...
kapag hindi na sila ang mas mataas sa'yo...
parang pantay-pantay na lang...
paglabas ko pa ng Office nun...
nag-ring yung bell...
ibang pakiramdam naramdaman ko...
dati kapag naririnig ko yun...
tatakbo na ako pabalik sa Class Room...
o kaya ay gigising na ako nun(lagi kasi ako tulog sa Class Room)...
time na ibig sabhin nun at padating na ang teacher namin...
ngayon hindi ko pinansin...
yung dating mundo ng high school na ginagalawan ko...
ngayon parang iba na...
parang hindi ko na mundo(hindi na nga pala)...
parang ang sarap maging high school ulit...
ang dami kong naalala...
sana hindi na natapos ang buhay high school namin...