Monday, August 6, 2007

I'm done for...

no place to go...
I'm all alone...

kahapon wala talaga ako paglagyan...
hindi ko alam kung saan pupunta...
hindi ko alam kung saan lulugar...
may usapan kami ni you-know-who na dadalaw ako sa bahay nila...
kaso sa kasamaang palad...
wala siya(may usapan kami kaso wala siya)
hindi ko na sasabihin kung bakit wala siya...
kaya nung pagdating ko sa bahay nila at wala siya...
umalis na lang ako at naghanap ng lugar na mapupuntahan...
pumunta ako sa comedy bar na lagi ko pinupuntahan kapag gusto ko magsaya or para mawala lungkot ko...
kaso kagabi...
iba...
hindi ko nagawang tumawa...
hindi nila ako napatawa...
hindi ko alam kung korny na ba sila or wala lang talaga...
parang umupo lang ako at uminom ng hindi ko mabilang na bote ng beer...
kaya naisipan kong umalis at pumunta sa dagat...
pumunta ako sa resort ng tropa ko...
siyempre para libre na ako sa entrance...
kaso kamalas-malasan...
wala siya at hindi ako kilala ng guard nila kaya obligado ako magbayad ng entrance fee para pumasok...
kaya ayun ako...
nakaupo malapit sa dagat...
nakatunganga at pinapanuod ang gulong ng alon...
nagpapalipas ng oras...
at ako ay minalas ulet...
umulan...
malakas na ulan...
naisip ko...
ang malas talaga ng buhay ko...
wala ng tropa...
hindi pa nakisama ang panahon...

I'm done for...

Thursday, August 2, 2007

wala ako paglagyan

sa mga huling araw hiindi ko na talga alam kung saan ako lulugar...
san man ako mapunta...
akala ko madami akong kaibigan...
madami lang pala akong "kakilala"...
etong mga huling araw gumawa ako ng "observation" sa mga tao sa paligid ko...
sa mga kaibigan dito at doon...
sa mga katrabaho ko dati...
sa mga katrabaho ko noon...
sa dating nagmamahal...
worse sa pamilya ko...
kaya nasabi ko na ganun nga...
una sa mga kaibigan ko...
hindi ko na alam kung nasaan na sila...
nung huling day-off ko...
hinanap ko sila...
tinext ko kung nasaan sila...
walang nagreply...
ayaw na ata nila ako makasama...
lahat ata tinext ko...
khit isa wala...
sa mga katrabaho ko dati...
nasa malayo sila...
malabo na magkasama-sama kami ulet...
sa mga katrabaho ko naman ngayon...
parang pakiramdam ko...
nahihgirapan ako mag-adjust...
onti lang ang masasabi ko sigurong malapit sa akin...
pero hindi ako sigurado kung totoo nga sila...
sa dating nagmamahal...
sinusubukan kong makasama siya minsan...
siya ang huling tinitext ko...
kapag wala na talaga akong makasama...
pero eto wala din...
kasama ko nga...
pero parang hindi...
balewala lang ako...
hindi ako pinapansin...
ayaw ko na sanang makipagkita sa kanya...
dahil balewala nga lang ako...
pero wala na akong no choice...
eto ang malupit...
sa pamilya ko...
parang hindi na ako miyembro ng pamilya namin...
isa sa mga na-obserbahan ko...
kumakain kami...
pina-abot ko ang tubig...
pero wala ring pumansin sa akin...
sa sama ng loob ko...
hindi ko na lang tinapos ang kinakain ko...
tumayo na lang ako sa mesa...
pero pagtayo ko pinansin din ako...
tinanong ako...
sabi...
hindi mo na ba uubusin toh???pakain ko na lang sa aso???
damn!!!
buti ba yung aso...
wala na talaga akong paglagyan...
hindi ko alam kung saan ako lulugar...
bigyan ninyo naman ako ng direction kung saan ako pupunta...
yung may paglalagyan ako...