Saturday, March 6, 2010

at long last part2

Halos makalimutan ko na ang blog na 'to ng daling sa sobrang busy ko sa trabaho, biruin mo ilang buwan ang agwat sa recent post(uy english! english rin pala ung blog)? hahaha malamang wala ng nagbabasa dito, pero ayos lang magsimula ulit tayo sa umpisa.

Gusto ko sana i-share(english ulit!) sa lahat ng nagkakainteres na ulit ako ilagay dito ang mga tumatakbo sa isip ko, yun ay dahil sa medyo may oras na ulit ako para dito, medyo lang naman, at ngayon ay gusto ko gumawa ng isang libro, libro na mag-aalis ng problema sa buhay ng mga tao, or at least(english!! wooo!) mabawasan or makalimutan nila at mapahalagahan nila mga sarili nila at mga mahal nila sa buhay. Kung iniisip mo na libro ng patawa ang balak ko mali ka, ang balak ko sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga magbabasa nun ng oras para mapahalagahan nila ang sarili nila at hindi yung problema nila, hindi ko naman sinasabi na kalimutan natin ang mga problema natin, like ng pagkakautan, gusto ko lang na mas pahalagahan pa natin lalo mga sarili natin, sa tingin nyo ba ay ayos ito ko kung maging libro nga idea pa lang kasi yan? Matagal ko na kasi gusto gumawa ng libro kasi mas tatagal pa yun sa akin dito sa mundo, na kahit wala na ako may naiwan ako para sa ibang tao.

WISH ME LUCK SA PANGARAP KO NA 'TO!!