Tuesday, May 26, 2009

argh!!

XD
antagal kong nde na-update ito,
buyset,
panu ba naman kasi,
sobrang busy ko palagi,
ay hindi pala, lagi lang akong tulog,
sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh si Willie Revillame nlng palagi ang gumigising skin,
pero ang malala ay kaning hapon, alas kwatro nko nagising!!
malala na talaga, ang aga aga kong natulog kagabi, tapos aabutin ako ng ganung oras sa pagtulog,
nde ko kasi namamalayan ang oras pag andun ako sa kwarto ko, laging madilim, kaya akala ko palagi gabi pa,

pero speaking of malala,
isa pang malala ay yung panaginip ko,
biruin mo ba naman, nanaginip ako na patay daw ako at kaluluwa nlng, pero, nakakausap ko pa mga tao sa paligid ko, ang weird nga eh, sinasabi ko sa mga tao na wag ako ilibing kasi mabubuhay pa rin ako, basta ang gulo na nakakatakot, kasi ung ako na kaluluwa, nararamdaman kong naaagnas na ang laman, sa sobrang takot ko, ayun nagising ako at napilitang bumangon, hingal na hingal ako paggising, naisip ko yung mga tao na namatay sa bangungot tulad nung ibang mga artista, argh!

pero dapat may celebration, dahil buhay na naman ang blog ko!! update na naman!! weeeeeeee!!