Thursday, March 12, 2009

BUYSET!

Bwisit na bwisit na bwisit na ako sa employer ko sa pinapasukan ko ngayon, biruin mo ba naman siya pa ang may ganang magalit pag ikaw ay nalalate sa pagpasok. Eh pano kang hindi malalate eh ang gusto niyang oras na pagpasok mo ay 7am tapos ang gusto niya na uuwi ka ay 1am na, kung hindi ba naman sira ang utak, kahit mag off ka kinabukasan dala dala mo pa rin ang pagod at antok mo sa isang araw. Halimbawa, Lunes, papasok ka ng 7am at uuwi ka na ng 1am at mag-ooff ka ng tuesday, hanggang wednesday puyat ka pa rin nun! Ang masama pa nyan wala kaming overtime, BWISIT! Wala kasing mga kontra kontrata sa work namin! Kaya isa talaga siyang BWISIT! (wag niya sanang mabasa ito) nyaknyak!

Friday, March 6, 2009

Twilight nga naman oh

una sa lahat., ang mababasa nyo sa baba..,hindi ako ang gumawa, hindi sa nagmamalinis ako dahil baka magalit sa akin ang mga die hard fans ng twilight..,pero true. natawa ako dito..kc totoong totoo..,wahahaha
I AGREE DITO.
>:)


So. Kailangan lahat ng tao, baliw sa Twilight?
Kailangan pag naglalakad ka, hawak mo yung Twilight book, at dapat, nakaharap yung front cover at nababasa yung "Twilight" para makita.
Kailangan habang naglalakad ka, nagbabasa ka rin ng Twilight?
Kailangan, hanggang bus, nagbabasa ka ng Twilight?
Kailangan, kahit nagkakanda-dapa ka na sa LRT dahil naaout of balance ka na, basa ka pa rin ng Twilight?
Kailangan, kahit ang init-init sa FX, kahit nagkakandahilo-hilo ka na, magbabasa ka parin.
Kailangan, sinasabi mong "Nahihilo nako.", kahit basa ka parin ng basa ng Twilight.
Nagbabasa ka nga ba talaga ng Twilight?
Kailangan pag dadaan ka sa National, tapos mapapadaan ka sa section ng Stephenie Meyer books, kailangan magmuka kang excited at sisigaw ka pa, "SHOCKS TWILIGHT!" Kahit na alam na alam na ng buong mundo na oo, may librong Twilight dun.
Kailangan wallpaper mo sa desktop, Twilight?
Kailangan profile mo sa cellphone: (name mo) Cullen?
Kailangan, status/shout out/page title mo, "When you can live forever, what do you live for?"
Kailangan, itanong mo rin yang tanong na yan na galing sa Twilight sa friends mo?
Kailangan, red, white, at black?
Kailangan, i-blog na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, mag-GM at iannounce na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, magstatus ka na "I love Twilight"?
Kailangan, lahat ng soundtracks ilalagay mo sa multiply mo?
Baka mamaya, may Twilight backpacks na.
Twilight lunchbox. Twilight sando, baka gusto nyo rin.
Kailangan may Twilight Ice Cream? Baka susunod, Twilight Cornic meron na. Twilight Mixed Nuts, baka gusto nyo rin gumawa. Twilight Bawang, pwede rin.
Twilight toothpaste, gawa na rin kayo. Twilight toothbrush, Twilight shampoo, Twilight soap! HAHAHA.
SO. Kailangan talaga, Twilight?