sa olongapo at manila...
kpag gabi at tumingin ka sa langit...
hindi ito madilim...
maliwanag...
kaya ang akala ko...
ganito na talaga ang kulay ng langit sa gabi...
mali pala ako...
kagabi pumunta ako sa isang parte sa zambales dahil sinamahan ko si you-know-who...
gabi n un nung papnta kmi sa sakayan ng bus pabalik ng Olongapo...
napansin ko nung nglalakad kami...
kulay itim p rin pla and langit kapag gabi...
pero pagbalik ng Olongapo...
mas madilim pa sa gabi ang nangyari skin...
may natanggap na balita...
kailangan daw bago siya umabot sa age na 21...
mkaalis n xa ng Pilipinas...
at mag-21 xa in less than a year...
nung sinabi niya sa akin yun...
bumilis takbo ng isip ko...
turning 21 in less than a year-no more time...
hindi pwede madelay pag-alis niya-pero pwede mapaaga
naiyak ako dahil naisip ko...
etong mga huling buwan na andito pa siya bago ang alis niya...
hindi ko na masusulit ang mga natitirang panahon na andito pa siya...
balewala na lang kasi ako sa kanya...
gusto ko sana makasama siya hanggang sa bago siya umalis...
pero parang makasarili naman ako...
at kung may pagbibigyan siya ng huling panahon...
hindi ako yun...
malabo maging ako...
nakayuko na lang ako sa harapan niya pagkatapos niya sabihin yun...
umiiyak...
samantalang sa kanya parang wala lang...
pinagtatawanan pa niya ako habang umiiyak...
NASAMPAL ko siya...
kahit ayaw ko...
para tumigil siya...
pero hindi ko nagawa yun dahil sa ginagawa niya akong katawa-tawa...
nagawa ko yun dahil sa sakit...
dahil sa hirap...
ang gusto sabhin ng sampal na yun...
mahalin mo naman ako ulit pakiusap...
dahil nawala ka na minsan sa akin...
ayaw ko ng malayo ka pa...
pero nagalit siya...
kaya umuwi na ako...
ayaw ko ng makipagtalo...
nung lumabas ako ng compound nila...
lumingon ako...
baka makita ko pa siya...
nasa isip ko...
eto na huli kong paglingon ko sa bahay nila...
ugali ko na kasi ang lumingon kapag may kasama akong naglalakad at naiiwan siya dahil sa bilis ng lakad ko...
lumilingon ako para sabhin sa kasabay ko maglakad ng hinihintay kita...
pero wala rin siguro...
at sa kasamaang palad...
and sama ng kanta sa jeep na sinakyan ko...
all i want is to hold you forever...
biglang tumugtog pagkasakay ko...
napilitan akong bumaba ng jeep sa gitna ng biyahe...
dahil hindi ko mapipigilan na umiyak ulit nun...
at ayaw ko dahil sa harap pa ng maraming tao...
pagkauwi ko...
walang dalawang isip na kinuha ko mga gamit ko na naka-ayos na...
dahil papunta ako ng manila...
nagpaalam ako sa mama ko...
hindi na ako nakatulog kahit sa biyahe papunta dito sa manila...
gustuhin ko man matulog at kumain hindi ko magawa...
kaya ngayon andito ako sa Conference Meeting namin para sa isang Commercial Ad na gagawin namin...
patay ang utak ko...
blangko...
walang kain...
walang tulog...
kasalukuyan na lunch break namin ngayon kaya nagawa ko gumawa ng ganito...
at ngayon naisip-isip ko...
isasarado ko na lahat ng emosyon ko sa lahat ng tao...
hindi na akong makikitang masaya o malungkot...
makikita nila akong nakangiti pero maskara lang yun...
eto na rin siguro ang magiging huling post ko dito...
matatagalan ako bago mag-post ulit...
dahil tulad nga ng sinabi ko hindi niyo na malalaman ang nararamdaman ko...
gagawin ko 'to para maiwasan ko masaktan at masaktan pa lalo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment