ang haba ng araw ko...
sa huling 48 hrs. na lumipas sa buhay ko...
parang dalawang taon ang dumman sa akin...
kahapon nag-ayos ng mga papeles ko...
nakuha ko rin naman agad yung mga inaayos ko...
pero sa kamalas-malasang pangyayari...
nawala ang envelope ko na pinag-lalagyan ko ng mga papeles...
kasamang nawala ang
high school diploma(Original)
Certificate of Live Birth(Original din)
SSS E-1 form(Original din)
Police Clearnace(Original din)
pansin ko puro mga Original ang nawala ko...
kanina...
pumunta ulet ako sa kuhaan ng Police Clearance...
sakto!!!
andun ung tropa kong nagtatrabaho dun...
nakalusot agad...
nkuha ko agad Police Clearance ko na bago...
punta naman ako ng SSS...
30 mins lng...
naverify ko agad SSS number ko...
ok na...
pagod at pamasahe lng ang nawawala sa akin...
bumalik ako sa eskwelahan ko nung High School...
iba na pala yung lugar ng Principal's Office at High School Registrar...
yung room ko nung 2nd year...
yun na pala yung Principal's Office...
bwisit kasi yung mga guard...
ayaw akong papasukin nung una...
at ayaw ituro kung san yung Principal's Office na bago...
pero dati nung High School pa lang ako...
takot na takot ako pumasok sa Principal's Office...
dahil isa sa mga dahilan ko ng pagpasok nun sa Office ng Principal eh may atraso ako...
pero kanina...
iba yung naging pagtanggap nila sa akin...
parang natuwa sila na nakita nila ulit ako...
hindi ko nga lang nakita yung adviser ko nung 4th year...
siguro may klase siya...
pero yung masungit namin na registrar nuon...
sir na ang tawag sa akin...
wow!!!
bumaliktad na ata ang mundo...
pero ok na yun...
kaysa naman sinungit-sungitan ako nun...
ganun pala yun...
kapag hindi na sila ang mas mataas sa'yo...
parang pantay-pantay na lang...
paglabas ko pa ng Office nun...
nag-ring yung bell...
ibang pakiramdam naramdaman ko...
dati kapag naririnig ko yun...
tatakbo na ako pabalik sa Class Room...
o kaya ay gigising na ako nun(lagi kasi ako tulog sa Class Room)...
time na ibig sabhin nun at padating na ang teacher namin...
ngayon hindi ko pinansin...
yung dating mundo ng high school na ginagalawan ko...
ngayon parang iba na...
parang hindi ko na mundo(hindi na nga pala)...
parang ang sarap maging high school ulit...
ang dami kong naalala...
sana hindi na natapos ang buhay high school namin...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment