kahapon...
pumunta ako sa simbahan dito sa maynila na pinupuntahan ko lagi noon...
nakita ako nung lola na lagi ko binibilhan ng sampaguita...
nagkakamustahan, kwentuhan...
kasama niya yung apo niya na may kapansanan...
claire, 11 years old yung apo niya...
bulag at may komplikasyon sa kidney...
natuwa ako nung nakilala nung bata yung boses ko...
akala ko kc hindi niya ako makikilala...
sa tuwa ko sa kanya...
hiniram ko muna siya at yung kapatid niya...
at dinala ko sila sa jollibee para kumain...
habang kumakain...
bigla akong may natanong kay claire...
"bulag ka na, tapos nagkaroon ka pa ng sakit? hindi mo ba minsan natanong sa sarili mo kung ka binigyan ng ganyan?"
Claire: "bakit po ako magrereklamo? eh mabigat na po yung dala ko eh, kapag nagreklamo pa ako lalo lang bibigat ang dala ko. hindi po ba?
nagulat ako sa binigay sakin na sagot ng batang yun...
parang wala siyang problema nung sumagot siya sa akin...
hindi ko alam kung ano ang maganda sa sinabi niya at gumaan ang pakiramdam ko...
at lalo pa akong nagulat sa kanya nung tinanong niya ako kung may problema ba...
hindi ko inaasahan sa bata na ganito ang edad na magtatanong sakin ng ganito...
parang matanda ang kausap ko...
ang sinagot ko na lang sa kanya nun ay "wala"...
natuwa talaga ako sa batang yun nung nagtanong siya kung bakit ako nanlibre eh ako yung may birthday at tapos na daw yung birthday ko...
alam pa pala niya yung birthday ko... ^-^
dahil dun sa pag-uusap namin ng batang yun...
nakatulog ulet ako ng mahimbing kagabi...
yung bang natulog ka ng wala kang problema at wala kang iniisip...
sana ganun na lang palagi...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment